PLANO ng pamahalaan na umutang ng hanggang P1.19 trillion ($22.3 billion) upang tustusan ang budget sa susunod na taon.
Batay sa figures na ipinalabas ni National Treasurer Rosalia de Leon, ang 2019 borrowing program ay mas mataas ng 20 percent sa P996 billion ngayong taon.
Napag-alaman na balak ng gobyerno na umutang ng hanggang P294.2 billion mula sa external sources at P891.7 billion naman mula sa domestic market para sa mga gastusin sa susunod na taon.
Target ng pamahalaan na makalikom ng hanggang $2 billion via bond issues na ang domination ay yen at US dollars bago matapos ang taon, subalit bahagi ito ng 2018 financing program.
“A euro bond issue is another option we can explore for financing,” wika ni De Leon.
May $180 billion ‘Build Build Build’ program ang inilatag ng administrasyong Duterte upang magtayo ng mga bagong kalsada, tulay, riles ng tren, paliparan at daungan sa kanyang anim na taong termino na magtatapos sa 2022.
Ipapanukala ng pamahalaan sa Kongreso ang P3.757 trillion budget para sa 2019, kumpara sa P3.175 trillion budget ngayong taon.
Comments are closed.