PH WAGI NG SILVER SA MEN’S 3X3 WHEELCHAIR BASKETBALL TILT

SURAKARTA, Indonesia – Nahirapan ang Pilipinas sa pamatay na outside shooting ng Thailand at hindi na nakabawi pa upang malasap ang 12-22 decision sa men’s 3×3 wheelchair basketball finals sa 11th ASEAN Para Games sa GOR Sritex Arena dito nitong Linggo.

Nagsimula si Deadshot Aekkasit Jumjarean sa back-to-back shots sa labas ng arc habang nagdagdag si Kwanchai Pimkorn ng ikatlo para kumarera ang Thais sa maagang 6-0 salvo tungo sa pagkopo ng gold medal sa event na nasa debut nito sa meet.

Nagkasya ang mga Pinoy, yumuko rin sa Thailand, 7-21, sa preliminaries, sa silver para sa unang medalya ng bansa sa sportsfest na tinatampukan ng pinakamahuhusay na para-athletes sa rehiyon.

Nauna rito, pinataob ng PH ang Cambodians, 20-4, sa iba pang preliminary match upang maisaayos ang rematch sa kanilang Thai tormentors sa duelo para sa gold.

Samantala, nabigo ang PH women’s wheelchair squad sa Laos, 0-4, sa laban para sa in the match bronze medal habang ginulantang ng Cambodia ang Thailand, 7-5, sa finals para kunin ang gold sa the distaff side.