PHI-NADO SUPORTADO NG PSC

william Ramirez

PATULOY ang suporta ng pamahalaan, sa pamamagitan ng Philippine Sports Commission (PSC), para mapatibay at mapalakas ang mga programa ng Philippine National Anti-Doping Organization (PHI-NADO) batay sa mga polisiya at panuntunan ng World Anti-Doping Organization (WADA).

Sinabi ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez sa mensahe na ipinarating ni PSC National Training Commission executive Marc Velasco sa ginanap na virtual meeting ng Ministers of Sports and Seniors Government Officials of East, South and SouthEast Asian countries kamakailan na hindi tatalikuran ng ahensiya ang responsibilidad para masiguro na tumatalima ang bansa sa lahat ng polisiya at gawain na isinusulong ng WADA.

“The Philippine government through the Philippine Sports Commission fully supports the anti-doping initiatives and efforts of PHI-NADO as it endeavors to comply with the provisions and policies under the World Anti-Doping Code -in the following areas: full organization, capacity building, education interventions, doping controls and on-line access by all Philippine sports stakeholders, and commitment to continuously contribute through settlement of our annual country contribu-tion,” pahayag ni Ramirez.

Bukod kay PHI-NADO president Dr. Alejandro Pineda, nakiisa sa virtual meeting ang lahat ng kinatawan ng mga bansa mula sa East, South at Southeast Asia.

Ang naturang pagpupulong ay kasabay ng ginanap na virtual meeting ng WADA para talakayin ang Anti-Doping program sa Tokyo Olympics at Paralympics na magkasunod na isasagawa ngayong Agosto EDWIN ROLLON

7 thoughts on “PHI-NADO SUPORTADO NG PSC”

  1. 951988 559361Hello, Neat post. Theres an issue together together with your internet site in web explorer, may possibly check this? IE nonetheless may be the marketplace leader and a huge component to folks will omit your wonderful writing because of this problem. 687910

  2. 909623 620958A lot of thanks for this specific info I was basically browsing all Search engines to discover it! 280481

Comments are closed.