MAAGA pa lamang ay nag-alok na ng bid ang PhilCycling upang muling maging host ng Asian BMX Championships sa 2025 bilang panimula sa mas malaking target ng Pilipinas na maging unang Asian country nA magho-host sa International Cycling Union (UCI) BMX World Cup sa kaparehong taon.
Ginawa ni cycling head at Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino ang alok kina Asian Cycling Confederation (ACC) secretary-general Onkar Singh at UCI management committee member Datuk Amarjit Singh ng Malaysia sa huling araw ng 2023 Asian BMX Championships for Freestyle and Racing sa Tagaytay City BMX Park noong Linggo.
“With the success of this year’s Asian BMX championships, Tagaytay City is declaring its bid not only for the continental championships but also for the UCI World Cup in 2025,” sabi ni Tolentino, na siya ring mayor ng Tagaytay City.
Mahigit sa 200 atleta at opisyal mula sa siyam na Asian countries— kabilang ang mga rider na may edad na 9 na sumabak sa Challenge events—ang nagtipon-tipon sa three-day championships na huling qualifier para sa cycling discipline para sa Paris 2024 Olympics.
Para i-host ng bansa ang World Cup, sinabi ni Tolentino na ang kasalukuyang BMX track ay kailangang ayusin.
“Innovations on the current BMX track would be implemented, especially on raising the start ramp from its present 5-meter height to the world championships and World Cup standard of 8 meters,” ani Tolentino.
Aniya, ang planong pagtatayo ng isang V-shaped start ramp — 5 meters at 8 meters— ay malapit nang ipatupad.
“But hosting the Asian championships and the World Cup would have to be in the first five months of the year when the rains—and the Tagaytay fog—are scant,” sabi pa ni Tolentino.
Ang UCI BMX World Cup ay umaakit ng male at female riders mula sa hindi bababa sa 40 bansa.
-CLYDE MARIANO