PHILHEALTH MAY BAGONG SPOKESPERSON

INANUNSIYO kahapon ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pagkakaroon nila ng bagong spokesperson sa katauhan ni Dr. Albert Domingo.

Si Dr. Domingo ay Vice President sa PhilHealth. Pinangangasiwaan niya ang primary care policy, bukod sa pagsisilbi bilang Head Executive Staff ng Chairperson ng Board of Directors. Siya rin ang Corporate Spokesperson.

Si Dr. Domingo ay isang manggagamot at health systems specialist na nagtapos sa University of the Philippines at pagkatapos ay sa University of Edinburgh kung saan isa siyang Chevening Scholar ng United Kingdom.

May 15 taon siyang karanasan sa public health sa bansa at international levels, kung saan nagtrabaho siya sa WHO, ADB at USAID.

Pamilyar si Dr. Domingo sa health system interactions sa non-communicable diseases, sexual at reproductive health, TB, HIV/AIDS, malaria, at emergency response (COVID-19) sa complex devolved settings. Sanay siya sa market systems approaches sa kalusugan, na kinabibilangan ng private sector engagement. Pamilyar din siya sa general principles of law and jurisprudence.

Dati ring pinamahalaan ni Dr. Domingo ang communication and disease prevention and control sa Department of Health (Philippines), kung saan sinuportahan din niya ang Officer-in-Charge Secretary of Health for legal, regulatory and management concerns. Nagsilbi rin siya bilang senior technical staff sa Health Finance Policy Sector ng PhilHealth.

Si Dr. Domingo ay isa ring licensed group fitness instructor.