DALAWANG linggong suspendido ang operasyon ng Philippine Embassy sa Kuwait makaraang isang empleyado nito ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).
Sa report na nakarating sa PILIPINO Mirror, sarado ito mula noong Huwebes, Hulyo 2 hanggang Hulyo 16.
Hindi naman idinetaIye kung ang nagkasakit na empleyado ay mula Philippine Overseas Employment Administration (POEA) o mula sa Philippine Overseas Labor Office (POLO).
Para matiyak na hindi makahawa ang staff ay sasailalim ito sa 14-day quarantine.
Tiniyak naman na bukas ang hotlines ng embassy, gayundin ang POLO at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.