NAGING matagumpay ang pagbubukas ng Philippine Navy (PN) ng kanilang museo sa Fort San Felipe, Cavite City kamakailan na dinaluhan ng matataas na pinuno ng Armed Forces of the Philippines sa pangunguna ni Deputy Chief of Staff (TDCS) Rear Adm. Erick A. Kagaoan.
Ang Philippine Navy Museum ang sumasalamin sa malawak na kasaysayan ng naval force ng bansa na pinatingkad ng exhibits at mga display na inilagay rito.
Isinabay sa pagbubukas ng PN Museum ang 2nd Philippine Arts Summit ng Tagapagtaguyod ng Sining at Kultura ng Pilipinas (TSKP) na nagsimula ng Oktubre 16 sa Fort San Felipe.
Ipinakikita sa 2nd Philippine Art Summit ang ibat ibang anyo ng sining at mayamang kultura ng Filipinas. Nilahukan ito NG mahuhusay na alagad ng sining.
Layunin ng proyekto na imulat ang sambayanan at isulong ang pagmamahal sa sining at kultura. Sentro ng art summit ang binuhay na Fort San Felipe na nasa loob ng kauna-unahang port town sa bansa.
Kabilang sa mga dumalo sa Fort San Felipe re-aunch sina PN Flag Officer In Command, Vice Adm. Giovanni Carlo Bacordo, Fleet commander, Rear Adm. Loumer Bernabe, Marine commandant, Major Gen. Nathaniel Casem, kasama ang TKSP members sa pangunguna ni Atty. Tranquil Gervacio Salvador III na siyang tagapangulo, at iba pang opisyal ng militar at gobyerno at foreign dignitaries.
Sa kanyang mensahe ay pinasalamatan at pinapurihan ni Vice Admiral Bacordo ang PN units na tumulong sa transformation ng Philippine Navy Museum.
Binigyang pagkilala rin ni Bacordo ang “dedication and commitment” ng TSKP para makumpleto ang proyekto.
“You have truly helped us transform this place into a space where visitors can find inspiration from. It evolved into a vibrant gallery that reflects the powerful experience of being a Navy and what it means to belong with the Navy,” pahayag ng Navy chief.
Nabatid na upang maging matagumpay ang completion at implementasyon ng proyekto ay ginamit nila ang husay at kasanayan ni Cdr. Flordeliza Villaseñor (Res), isang dedicated Navy reservist at kasalukuyang chairperson ng TSKP. Siya rin ang nagsilbing curator ng Fort San Felipe Naval Museum at iba pang museo na minamantine ng iba pang yunit ng Hukbong Dagat.
Kasama rin si Cdr Villasenor sa Task Force “Pagsasaayos” sa pagpaplano, paghahanda, koordinasyon at implementasyon ng proyekto.
Samantala inihayag naman ni Vice Adm Kagaon na: “Special moment to celebrate the important role that the Philippine Navy Museum will play as a gateway into the history and cultural heritage of our navy. This museum also serves as a visual narrative of our Navy’s evolutionary existence.”
“But more than being a repository of beautiful artifacts this museum is a center of learning and a vanguard of our naval heritage every work, product, relic, memento, and remains exhibited here commemorate the historical and remarkable milestone of the Philippine Navy as a military organization.” VERLIN RUIZ
Comments are closed.