PHILIPPINE NAVY SASABAK SA SINGAPORE

PHILIPPINE NAVY

PASAY CITY – MAPAPASABAK nga­yon ang mga kinatawan ng Philippine Navy sa ikalawang bahagi ng ASEAN-Plus Defense Minister’s Meeting-Plus Combined Maritime Exercise na gagana­pin sa  Singapore.

Kasunod ito ng unang yugto ng combined maritime exercise na isinagawa sa Jeju Island sa South Korea kung saan nagkaroon ng iba’t ibang confidence building activities ang mga kalahok na bansa kung saan nagsilbing host ang republic of Korea Navy.

Ayon kay Naval Task Group 80.6 Commander Capt. Roy Vincent Trinidad, mala­king tulong sa kanilang hanay ang maki­isa sa joint maritime exercises sa kanilang mga foreign counterparts dahil marami silang natututunan.

‘The maritime security exercise aims to enhance the ADMM-Plus nations on its multinational response capability to international maritime crime, establish collaborative system while promoting camaraderie and cooperation among navies”, ayon kay Capt trinidad.

Kabilang sa mga bansa na makikiisa sa ikalawang bahagi ng Combined Maritime Exercises sa Singapore ay ang Brunei, China, India, Malaysia, Republic of Korea at Philippines.

Inaasahan din makilahok ang ibang bansa gaya ng Australia, Japan, Thailand at Vietnam.

Samantala iniha­yag ni Navy Flag Officer in Command na malaki ang posibilidad na dito sa Filipinas gaganapin ang 2020 International Naval Fleet review at ang susunod na ASEAN-Plus Defense Minister’s Meeting-Plus ASEAN-Plus Defense Minister’s Meeting-Plus. VERLIN RUIZ

Comments are closed.