NAG-ABISO na ang Phoenix Petroleum Philippines Inc. kahapon na magro-rollback sila ng presyo ng petrolyo simula ngayong araw.
Sinabi ng Phoenix Petroleum na magbabawas sila ng presyo ng gasolina ng P1.10 kada litro at diesel ng P1.00 kada litro “for motorists to enjoy lower pump prices for the long weekend.”
Nagsimula ang adjustments ng alas-6 ng umaga ngayong araw.
Ito ang pang-apat na sunod na linggo na nag-rollback ang presyo ng petrolyo.
Naunang naglabas ang Unioil ng kanilang fuel forecast, at sinabing ang presyo ng diesel at gasolina ay dapat magtapyas ng P0.90 hanggang P1.10 kada litro.
Ang anunsiyo ng mga oil company ay nauna sa dating iskedyul na ipinatupad ng local petroleum firms na ginagawa tuwing Martes bawat linggo.
Kung susumahin, umabot na sa lagpas P4 ang nai-rollback sa gasolina, mahigit P2 sa diesel, at P1.75 naman sa kerosene sa loob ng tatlong linggo.
Pero bago ang serye ng rollback, siyam na beses ding sunod-sunod na tumaas ang presyo ng langis na umabot nang mahigit P5 sa kada litro sa diesel at gasolina.
Comments are closed.