BUKAS na, Saturday, November 30, ang pinakahihintay na opening ceremonies ng 30th South East Asian (SEA) Games 2019, na magaganap sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan. Viewers in Asia and the rest of the world can expect ng isang magandang presentation na magha-highlight ng superb Filipino talent and ng ating contemporary Filipino culture.
Nasa Philippine Arena kami last Tuesday evening para panoorin ang dress rehearsal na inorasan ng one hour and half program sa four production numbers na magpapakita ng mga sayaw natin sa iba’t ibang lugar ng bansa.
Ang mga performers ay kinabibilangan nina Lani Misalucha, Christian Bautista, Aicelle Santos, Jed Madela, Elmo Magalona, KZ Tandingan, Inigo Pascual, The TNT Boys, Ana Fegi, Robert Sena, ang international rap artist Apl d Ap. Ang parade of athletes ay sasamahan ng 11 beauty queens as muse na pangungunahan ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzback. Si renowned Ramon Obusan Folkloric Group and dance groups and squads from different colleges and universities in Metro Manila ang sasayaw sa opening ceremonies, tulad ng Los Angeles 2015 Special Olympics, London 2012 Summer Olympics at Jakarta Palembang 2018 Asian Games.
Si Floy Quintos ang director at si Maestro Ryan Cayabyab at ang Five Currents’ Creative Director Libby Hyland ang bubuo sa production team, music producer si Eloisa Matias, costume designers sina Eric Pineda, Mitoy Sta. Ana and Maxi Cinco. Choreographers sina Dexter Santos and Cherry Villanueva. Lahat sila ay puring-puri ni Ms. Hyland.
Ang opening ceremonies ay mapanonood sa Saturday, November 30, at exactly 7:00 pm at live na mapapanood sa ABS-CBN.
Ang production team is a mix of artists and professionals from the local industry and the US-based Emmy award-winning Five Currents na nag-produced ng top live sports.
MARIZ UMALI AT RAFFY TIMA CONJUGAL KAHIT SA SÈA GAMES ID
NAGULAT na natawa na lamang si Mariz Umali nang makita nila ng asawang si Raffy Tima ang pagkakamali sa ibinigay na ID nila para sa pagko-cover nila ng SEA Games 2019. Napaghalo ang pangalan nila na Raffy Tima at Mariz Tima pero parehong pictures ni Raffy ang nasa dalawang ID.
“Nagulat ako na natawa, pero hindi natawa para pagtawanan sila kaya lang nung makita ko ‘yun, biniro ko si Raffy na ‘grabe mahal talagang conjugal tayo sa lahat ng bagay,” kuwento ni Mariz sa mediacon nila ng mga “Unang Hirit” hosts sa pagsi-celebrate nila ng 20th anniversary ng number one morning show. “Pero bukod sa pagpo-post ni Raffy sa social media ng ID, hindi na kami gumawa ng aksiyon para tawagan sila, siguro ay makikita na nila ang mali, ang gusto lamang namin papasukin nila kami kapag magko-cover na kami.”
Nag-react din si Mariz sa kikiam breakfast daw na ipinakain sa mga delegate. Favorite daw kasi niyang meryenda ang kikiam at squidballs lalo na kung nasa field siya at wala siyang time para kumain sa restaurant, okey na sa kanya ang street foods na merienda. Pero sa breakfast, ang favorite daw niya ay bangusilog.
o0o
Sa Monday, December 2 na magsisimula ang celebration nila ng “Unang Hirit.” May special treat sila na mga special episode and surprises kasama ang mga dating host para makisaya sa kanila. May mga special prizes din sila sa mga viewer bilang pasasalamat sa kanilang pagtangkilik sa show na nagsisimula ng 4:55 am.
Comments are closed.