PILA SA SAP INARARO NG TRAK: 1 PATAY, 9 SUGATAN

BULACAN-ISA ang nasawi at siyam naman ang sugatan nang biglang araruhin ng dump truck ang pila ng mga taong humihingi ng ayuda dahil sa epekto ng pan­demya sa gilid ng city hall ng San Jose del Monte City sa lalawigang ito.

Sa inisyal na ulat , Martes ng umaga sinuro isang truck na pag-aari ng gobyerno ang mga taong nakapila sa labas ng city hall matapos umanong atakihin sa puso ang driver nito.

Ayon sa report na isinumite kay Bulacan PNP Provincial Director P/Col Lawrence Cajipe ni P/Maj. Julius Alvarong San Jose del Monte City Police Office , pagmamay-ari ng city government ang truck na minamaneho ni Herminio Gerona, 57-anyos at residente ng Zone 4, Brgy Graceville ng nasabing lungsod.

Lumilitaw sa pagsisiyasat na may susunduing empleyado ng city hall si Gerona nang atakihin ito sa puso habang nagmamaneho at nagtuloy tuloy ang truck sa isang tent na may mga nakapilang benepisyaryo ng social amelioration program (SAP).

Agad na isinugod sa ospital ang driver pero binawian na ito ng buhay habang ginagamot ang lima sa mga nasugatan at ang apat ay binigyan ng pangunang lunas.
Ayon naman kay San Jose del Monte City Mayor Arthur Robes sasagutin lahat ng lokal na pamahalaan ang gastos ng mga nasugatan at nasawi sa insidente. VERLIN RUIZ

7 thoughts on “PILA SA SAP INARARO NG TRAK: 1 PATAY, 9 SUGATAN”

  1. Youre so cool! I dont suppose Ive learn anything like this before. So good to seek out any person with some unique ideas on this subject. realy thanks for starting this up. this website is something that is wanted on the internet, somebody with slightly originality. helpful job for bringing one thing new to the internet!

  2. whoah this blog is wonderful i really like reading your articles. Stay up the great paintings! You know, lots of people are hunting around for this information, you can help them greatly.

Comments are closed.