PILIPINO KA, MAY PHILHEALTH KA!

  “Kailangan bang magbayad para magkaroon ng PhilHealth?”

 – Ela Jean
 follower ng PhilHealth sa ­Facebook

Magandang araw, Ela Jean! Sana nasa mabuti kang kalagayan. Para sa kaalaman ng lahat, walang dapat bayaran para ma­ging PhilHealth member. Libre ang pagpaparehistro! Kailangan mo lang mag-submit sa amin ng properly accomplished PhilHealth Member Registration Form o PMRF. Ito ay mada-download sa www.philhealth.gov.ph o makukuha sa aming local health insurance offices.

Ang binabayaran lang ng mga mi­yembro ay ang buwanang premium contribution. Sa parte ng mga employed members, kinakaltas ito ng employer mula sa kanilang sahod. Magkano ang kinakaltas sa kanila? Ang premium contribution ng employed member ay katumbas ng 5% ng kaniyang monthly basic salary. Halimbawa, sa mga sumusuweldo ng P20,000 kada buwan, P1,000 ang magiging buwanang kontribusyon na paghahatian ng empleyado at employer. Sumatotal, P500 lang ang ikakaltas sa sahod kada buwan.

Para naman sa mga self-paying members o iyong mga direktang naghuhulog ng kontribusyon, puedeng magbayad monthly, quarterly, semi-annually, o para sa sa isang buong taon na. Tulad sa employed members, 5% ng monthly income ang magiging kontribusyon nila sa PhilHealth. Ang pagkakaiba lang ay babayaran nila ito ng buo dahil wala silang employer.

Ela Jean, bukas din ang pagpapare­histro para sa mga walang kakayanang maghulog ng kontribusyon. May prog­rama ang PhilHealth para sa mga kapus-palad. Pwede silang magpa-assess sa Department of Social Welfare and Development para mailista bilang Indigent Member – kung saan ang kanilang kontribusyon ay sagot ng Gobyerno.

Ang lahat ng PhilHealth members ay agarang makagagamit ng benepisyo, Ela Jean. Hindi magiging balakid ang kaka­yanan sa pagbabayad o halaga ng kontribusyon sa pagkamit ng mga serbisyong medikal para malunasan ang ating mga sakit. ‘Ika nga ni PhilHealth President at CEO Emmanuel Ledesma, Jr., “Huwag matakot sa pagpapagamot dahil sagot kayo ng PhilHealth!”

PAALALA

Ang bawat miyembro ay pwedeng ­magdeklara ng kanilang qualified ­dependents tulad ng legal na asawa, anak na wala pang 21 taong gulang, o­ ­magulang na senior citizen na at ­hindi kabilang sa ­anumang membership ­category ng ­PhilHealth.

Kailangan lang magsumite ng ­malinaw na kopya ng mga dokumento tulad ng ­marriage contract o birth ­certificate para maideklara sila bilang qualified ­dependents na ­makagagamit din ng ­PhilHealth benefits!

BALITANG REHIYON

Ang PhilHealth ­Local Health ­Insurance ­Office – Caloocan ­kasama ang NBBN Health Center ay ­nagserbisyo sa ating mga ­kababayan sa Barangay North Bay ­Boulevard North, ­Navotas City ­kasabay ng ­pagdaraos ng ­PuroKalusugan Para sa Bagong ­Pilipinas activity. Dito ay inirehistro sa PhilHealth ang mga dumalo at ­nabigyan ng mga serbisyong medikal sa ilalim ng Konsulta.