Anim na taon na ang nakalipas
nang ang PILIPINO Mirrror ay
Mamayagpag
Naglathala ng mga mahahalagang
balita at ulat…nakatuon sa negosyo
ang paksang inihahayag.
Hinarap ang maraming hamon sa
Industriya ng pagsisiwalat…
Nalagpasan ang mga pagsubok at
iba pang mga suliraning hinarap.
Sa pagtutulong-tulong ng lahat, mula
sa mga namumuno ,
PILIPINO Mirror ay unti-unting
Umangat,
Nakilala sa pagiging Unang Tabloid
sa Negosyo…
Disente at maipagmamalaki …lahat
ng mga pahina na mabubuklat.
Sa Diwang tagubilin ng Nagtaguyod
na si Amba Antonio Cabangon-Chua,
Pangangasiwa sa Pahayagan, ipinagkatiwala
sa magigiting na Anak
niya…
D. Edgard A. Cabangon…sumunod
sa yapak ng ama..
Katuwang ang Utol na si T. Anthony
ang PILIPINO Mirror, kinandili nila.
Tinipon ng magkapatid ang mga
ekspertong mamamahayag…
Si Jocelyn L. Siddayao itinalagang
Taga-Pangasiwang panlahat…
Ang Husay ng Beteranong diyaristang
si Rey A. Briones, punong patnugot
na gumanap,
Kasama sina Susan Cambri at
Ana Federigan sa Pahayagan…
Lumingap.
Naging laganap ang Sirkulasyon ng
PILIPINO Mirror…
Makikita at mabibili kahit saan ka
naroroon…
Sa pagsisikap ‘yan ng mga opisyal sa
Sirkulasyon..
Marvin Nisperos Estigoy, Ed
Cordevilla..
Katuwang sina Mina Satorre at
Linda Villar, silang mga kampeon.
Kaya naman ano pa nga ba… ang sa
Diwa ko ay masasalamin pa,
Wala na nga…wala… kundi ang paghanga
sa Pahayagang naiiba…
PILIPINO Mirror. .. ipinagmamalaki
ng lahat ng makakabasa…
Matututo sa bawat pahina… hindi mo
ikahihiya sa publikong-pagbabasa.
Pilipino Mirror…Mabuhay ka…
marami pa sanang Anibersaryo ang
sa’yo ay Daratal pa!
Comments are closed.