PIMENTEL, NANAWAGAN NA HUWAG GAMITIN ANG KANILANG APELYIDO SA KASO NG EX

UMAPELA  si Senador Koko Pimentel sa mga mamamahayag na huwag idamay o gamitin ang kaniyang apelyido o pangalan sa mga balita hinggil sa pagkakaaresto sa dati niyang asawa na si Jewel Lobaton.

Ayon kay Pimentel, matagal nang naideklarang null and void ng korte at simbahan ang kanilang kasal.

Dahil dito, wala na aniyang karapatan si Lobaton na gamitin ang “Pimentel” bilang apelyido.

Si Labaton ay naaresto noong Oktubre 10 sa kasong estafa.

Dati ring beauty queen si Labaton at kinoronahan bilang Binibining Pilipinas-Universe noong 1998.
LIZA SORIANO