(Pinababayaran sa mga employer) QUARANTIVE LEAVE SA WORKERS

HINIMOK ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer ng mga pribadong kompanya na magpatupad ng paid isolation at quarantine leave program.

Sa isang advisory, sinabi ng DOLE na dapat tiyakin ng mga employer ang kaligtasan at ‘humane working conditions’ ng kanilang mga empleyado sa pamamagitan ng pagsunod sa general labor standards at occupational safety and health standards.

Sa konsultasyon na rin sa mga empleyado, sinabi ng DOLE na dapat din na naaayon ito sa mga umiiral na labor law at collective bargaining agreement at ang nasabing leave program ay hindi dapat makaapekto sa ibang mga benepisyo gaya sa Social Security System (SSS) at employees’ compensation commission.

Pinaalalahanan din ng ahensiya ang mga empleyadong may sintomas ng COVID-19 o close contact na agad na mag-isolate sa bahay o quarantine facilities. DWIZ 882