PABOR ang dalawang senador para sa dalawang linggong health break sa mga guro at estudyante.
Ito ay kasunod ng paglaki ng bilang ng mga tinatamaan ng Covid 19 sa bansa.
Ang health break ay naunang iminungkahi ng Alliance of Concerned Teachers makaraang lumabas ang survey na 50 porsiyento ng mga guro ay tinamaan ng flu-like symptoms.
Sumang-ayon sina Senators Sherwin Gatchalian at Risa Hontiveros sa nasabing mungkahi.
“Since the Omicron variant is spreading like wildfire in the country, I support the imposition of a health break for our teachers and students especially for those who are in areas that have been placed under Alert Level 3,” pahayag ni Gatchalian, chairman of the Senate committee on basic education.
Sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga guro na maalagaan ang kanilang kalusugan at kanilang pamilya.
Iginiit naman ni Hontiveros na ang mga guro ay katulad din natin na nagkakasakit.
“Teachers are humans, too,” ani Hontiveros
“They are also exposed to the same health risks and are experiencing the same difficulties just like everybody else. Maaaring hindi lang sila ang may sakit kundi ang kanilang pamilya,” pahayag ng senadora.
Hiniling ni Hontiveros sa Commission on Higher Edication na payagan ang nasabing kahilingan
” Ang health at safety kapwa ng mga estudyante at mga guro ay dapat na iprayoridad,” ani Hontiveros
“We also cannot allow sick teachers teaching our children who are also vulnerable to COVID. Ang kalusugan ng ating mga guro ay kalusugan din ng ating mga anak,” dagdag pa niya.LIZA SORIANO