(Pinabubuhay at pinalalawig sa gobyerno) PANTAWID KURYENTE PROGRAM

Bernadette Herrera

HINILING ni Deputy Speaker Bernadette Herrera sa pamahalaan ang muling pagbuhay at pagpapalawig sa ‘Pantawid Kuryente Program’.

Partikular na nanawagan si Herrera sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Energy Regulatory Commission (ERC), National Electrification Administration (NEA), Department of Energy (DOE) at Department of Finance (DOF).

Hirit ni Herrera, bukod sa mga ‘lifeline consumer’ o yaong mga household na kumokonsumo ng 100 kilowatts per hour pababa kada buwan ay isama na rin sa Pantawid Kuryente Program ang mga may konsumo ng koryente na 200 kwh pababa kada buwan.

Ito, aniya, ay upang maibsan ang financial crisis na kinakaharap ng mga consumer sa Metro Manila at iba pang lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Anang kongresista, maaaring ibigay ang diskwento sa koryente sa pamamagitan ng electronic vouchers na direktang ipadadala sa account ng consumers sa MECQ areas.

Ayon kay Herrera, maaaring bigyan ng isang buwang 100% discount ang mga consumer na may bill na 50 kwh per month; 75% naman sa mga kumokonsumo ng  100 kwh kada buwan; 50% sa 150 kwh per month; at 25% sa mga kumokonsumo ng 200 kwh kada buwan.

Maaari rin aniyang magtakda ang DOF ng iba’t ibang scale ng diskwento sa koryente depende sa available na pondo ng pamahalaan.

Dagdag pa ni Herrera, maging ang LGU ay maaaring magbigay ng ayuda sa mga constituent sa pamamagitan ng electricity electronic vouchers mula P500 hanggang P2,000 depende pa rin sa available na pondo ng lokal na pamahalaan. CONDE BATAC

8 thoughts on “(Pinabubuhay at pinalalawig sa gobyerno) PANTAWID KURYENTE PROGRAM”

  1. 30869 815194This write-up is dedicated to all people who know what is billiard table; to all those that do not know what is pool table; to all people who want to know what is billiards; 55778

  2. 953948 510947hello!,I truly like your writing very a great deal! percentage we keep up a correspondence extra about your post on AOL? I want an expert on this location to unravel my dilemma. Could be that is you! Taking a appear forward to peer you. 306099

  3. 483218 81640This website is really a walk-through for all of the info you wanted about it and didnt know who to question. Glimpse here, and youll surely discover it. 465451

Comments are closed.