PLANO ng Bangko Sentral ng Pilipinas(BSP) na tanggalin ang fees sa maliliit na fund transfers para maisulong ang pag-gamit ng cashless payments.
Sinabi ni BSP Governor Felipe Medalla na nakahanda ang central bank na makipag-ugnayan sa mga bangko at payment system operators para pag-aralan ang “cost-sharing system” na magtatanggal ng fees sa maliliit na transaksiyon.
“If the fee is P15 for a P200 transaction, then the fee is quite large relative to the amount being sent,” pahayag ni Medalla sa isang tweet noong Sabado.
“We may even consider cutting the reserve requirement to enable banks to make these concessions. All these, in pursuit of a financial system that leaves no one behind,” dagdag pa niya.
Ang reserve requirement ratio (RRR), na kasalukuyang nasa 12% para sa malalaking bangko, ang percentage ng deposits na dapat panatilihin ng financial institutions.
Naunang sinabi ng BSP na ang layunin nito ay ang mapababa ang RRR sa single-digit ngayong taon.
“All these, in pursuit of a financial system that leaves no one behind,” sabi pa ni Medalla sa Twitter. “After all, the true measure of an effective policy lies not in its complexity but in its ability to bring those at the margins into the fold.”