(Pinag-aaralan ng DA)SRP SA ASUKAL

Sugar

POSIBLENG lagyan na rin ng suggested retail price (SRP) ang asukal sa harap ng pagtaas ng presyo nito sa merkado.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Undersecretary Kristine Evangelista, sumirit ang presyo ng asukal dahil na rin sa kakulangan ng supply.

Gayunman, sinabi ni Evangelista na hindi dapat umabot sa mahigit P100 ang presyo ng kada kilo ng puting asukal.

Nauna nang sinabi ng DA na nasa 300K metriko tonelada ng asukal ang kailangang angkatin ng bansa para ma-stabilize ang presyo sa merkado.

Ayon sa ahensiya, nagkaroon ng shortage sa suplay ng asukal matapos ang pananalasa ng bagyong Odette noong December 2021 kung saan naapektuhan ang mga tanim na tubo.

Dahil dito ay bumaba ang suplay ng asukal kaya apektado rin ang presyo sa retail market.

“Nakikipag-usap po tayo ngayon doon sa ating mag-aangkat para po dun sa presyo para sa ating ah consumers naman po,” ani Evangelista.