PINAG-AARALAN na ng Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) ang posibilidad na iretiro na ang mga matatandang power plants sa Luzon.
Ito ay matapos na masira ang apat na malalaking planta ng koryente na nagresulta sa pagkawala ng 2,000 meg-awatts supply na naging dahilan ng rotational brownouts sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon.
Sa pagdinig ng House Committee on Energy, sinabi ni ERC Chairperson Agnes Devanadera na maraming planta ng koryente ang nasa 16 na taon pataas ang edad o tagal.
Aabot, aniya, sa halos 30% ang percentage share ng plantang nasa 16 hanggang 20 na taon ang edad, habang nasa 24% ang percentage share ng mga plantang nasa 21 hanggang 25 na taon ang operasyon.
Sa ngayon ay inaalam na kung episyente pa bang gamitin ang mga lumang power plant na ito.
Samantala, tiniyak naman ng DOE na seryoso sila sa pagsasampa ng reklamong ‘economic sabotage’ laban sa generation companies o gencos na mapatutunayang may pananagutan sa naging problema sa koryente.
Nauna nang sinabi ni Energy Sec. Alfonso Cusi na inatasan na niya ang mga abogado ng DOE kaugnay sa pag-sasampa ng reklamo laban sa mga kompanya na hindi naman pinangalanan.
Ilang kompanya, aniya, ang hindi sumunod sa polisiya ng ahensiya na bawal ang pagsasagawa ng preventive maintenance shutdown ng mga planta sa panahon ng tag-init kung kailan mataas ang demand sa koryente. CONDE BATAC
buy cialis online no prescription Monitor Closely 1 cholestyramine decreases levels of bendroflumethiazide by inhibition of GI absorption