MATAPOS simulan ng gobyerno ang pagbibigay ng bakuna sa piling pharmacies sa Metro Manila, pinag-aaralan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga opisina at iba pang lugar ng mga manggagawa.
Ayon kay Labor Undersecretary Benjo Santos Benavidez, mas mapapadali ang pagbabakuna sa mga empleyado kung gagawin ito sa lugar kung saan sila nagta-trabaho.
Aniya, nais nilang mas gawing accessible ang bakuna para sa mga manggagawa.
Sa ngayon ay exempted ang mga manggagawa na wala pang bakuna sa ‘No Vaccine, No Ride’ policy ng gobyerno sa mga pampublikong transportasyon. DWIZ 882