(Pinag-aaralan ng DOTr) DAGDAG-PUBLIC TRANSPORT CAPACITY

Transportation Secretary Arthur Tugade

KINOKONSIDERA ng Department of Transportation (DOTr) na unti-unting dagdagan ang public transport capacity kasunod ng pagluluwag ng quarantine restrictions.

Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, sinimulan na ng ahensiya ang mga pag-aaral sa kung paano tataasan ang public transport capacity na hindi makokompromiso ang health safety standards.

“Naumpisahan na ‘yan, mayroon na kaming tinatawag na pag-aaral at a-approach kami sa IATF na kung puwede dagdagan, say 5%, 10%, and we make it gradual,” anang kalihim.

Aniya, nakahanda ang public transport stakeholders na magdagdag ng capacity, subalit ang final decision ay manggagaling sa Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Sa kasalukuyan, ang  public transport ay may 50% capacity habang nananatili ang Metro Manila at mga karatig-lalawigan ng Manila, Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Nauna na ring inatasan ng DOTr ang EDSA consortium na magdagdag ng bus unit upang mas maraming pasahero ang maser-bisyuhan.

Ito’y kasunod ng napaulat na napakahabang pila ng mga pasahero na nag-aabang ng bus noong nakaraang Biyernes.

Ayon kay Transportation Asst. Sec. Goddess Libiran, bukod sa pagbuhos noon ng ulan, marami talagang pasahero ang tumatangkilik ng Libreng Sakay ng EDSA carousel kaya napakahaba noon ng pila lalo’t rush hour.

11 thoughts on “(Pinag-aaralan ng DOTr) DAGDAG-PUBLIC TRANSPORT CAPACITY”

  1. 102971 619805It is actually a cool and beneficial piece of info. Im glad which you shared this helpful info with us. Please maintain us informed like this. Thanks for sharing. 237300

  2. You actually make it seem really easy together with your presentation but
    I to find this matter to be actually something which I think I’d by no means understand.

    It seems too complex and extremely vast for me. I am having a look
    ahead for your next submit, I will attempt to get the grasp of it!

  3. 916909 743238Hello! I just wish to give an enormous thumbs up for the good details you may have right here on this post. I can be coming once more to your weblog for a lot more soon. 743908

Comments are closed.