PINAG-AARALAN ng Department of Transportation (DOTr) ang partial resumption ng ilang modes ng mass public transportation sa kabila ng patuloy na banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Transportation Sec. Arthur Tugade, inirekomenda niya sa inter-agency task force on COVID-19 (IATF) ang panukalang payagan ang mga bus at tren na muling mag-operate sa ilalim ng mahigpit na regu-lasyon.
“Kung papayagan po ng IATF, magpa-partial operability tayo pero ‘yung operational capacity will be abbreviated at mababawasan upang ma-maintain ang mga patakaran ng Department of Health sa social distancing,” wika ni Tugade sa isang virtual press briefing.
Kung papayagang mag- operate, sinabi ni Tugade na ang mga bus at train line– MRT, LRT 1 at 2, at PNR– ay makapagsasakay lamang ng 30 percent ng full capacity nito bilang precautionary measure laban sa pagka-lat ng COVID-19.
“Other policies that may be implemented include banning passengers without face masks, thermal scanning, and strict physical distancing,” sabi pa ni Tugade.
Aniya, nagsimula silang talakayin ang mass public transportation noong Lunes ngunit wala pa silang na-pagpapasiyahan.
Sinuspinde ng pamahalaan ang mass transportation sa Luzon noong nakaraang buwan kasabay ng pagpapatupad ng lockdown upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Comments are closed.