(Pinag-aaralan ng SRA)PAG-ANGKAT NG 400K-450K MT NG ASUKAL

SUGAR IMPORTS

PLANO ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na umangkat ng 400,000 hanggang 450,000 metric tons (MT) ng refined sugar.

Ito’y bilang tugon sa direktiba ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. na magkaroon ng stock ng asukal ng dalawang buwan.

Ayon kay SRA board member Pablo Azcona, ang ahensiya ay nasa “draft stage” ngayon ng planong pag-aangkat.

“So far, we are at the draft stage. What we did is we made a draft for the importation plan. This draft [will be] sent to all stakeholders and the DA (Department of Agriculture) for comments,” ani Azcona.

Nauna nang inanunsiyo ni PBBM na pananatilihin ng kanyang administrasyon ang two-month buffer stock ng asukal para masiguro na hindi magkakaroon ng kakulangan sa suplay.

“The President is right. It is very wise to always keep a buffer. We cannot ascertain the shipping schedules. We never know, a typhoon or shipping delay might cause supply problems,” sabi pa ni Azcona.

Aniya, ang aangkating asukal ay kapwa para sa domestic consumption at industrial use.

Target ng ahensiya na dumating ang mga aangkating asukal sa first quarter o sa Abril.