(Pinaiimbestigahan ng DA) ‘TONGPATS’ SA PORK IMPORTS

pork

PINASISIYASAT ni Agriculture Secretary William Dar ang alegasyon ni Senador Panfilo Lacson na may patong ang ilang opisyal ng ahensiya na P5 hanggang P7 sa kada kilo ng imported na baboy.

“We will investigate that, ngayon ko lang nalaman ‘yan. Basta i-investigate ko muna, ako naman, due process lahat,” sabi ni Dar

Hiniling ni Lacson sa Senado na imbestigahan ang umano’y mga aktibidad ng isang sindikato sa loob ng DA, na posibleng kumita ng bilyon-bilyong piso sa ‘tongpats’ o pinalaking halaga mula sa rekomendasyon na bawasan ang tariff rates at taasan ang imini-mum access volume (MAV) allocation sa pork imports.

Sinabi ni DA-MAV Secretariat Executive Director Jane Bacayao na ang pag-iisyu ng  MAV allocation sa pork imports ay isinagawa alinsunod sa batas.

“The issuance of MAV allocation is above-board. The allocations of existing MAV licensees are those they have been using even before the administration of Sec. Dar, in accordance with the existing MAV guidelines,”  sabi ni Bacayao sa isang statement.

Ipinanunukala ng DA na taasan ang MAV sa pork imports sa 400,000 metric tons mula sa kasalukuyang 54,000 metric tons upang madagdagan ang domestic supply dahil sa kakulangan dulot ng African swine fever (ASF).

Ang MAV ay ang volume ng isang ispesipikong agricultural commodity na maaaring angkatin na may mababang taripa.

Inirekomenda rin ng DA na babaan ang taripa sa  5% mula 30% ngayong taon.

Ayon kay Lacson, ang ‘tongpats’ ay maaaring lumaki kapag binawasan ang taripa sa pork imports at tinaasan ang MAV allocation.

Sinabi pa ng senador na ang ganitong gawain ay may ilang taon nang nangyayari.

Sa katunayan, aniya, mula June hanggang October 2018, ang mga imported pork mula sa banned countries dahil sa African swine fever ay bumaha sa local market.

3 thoughts on “(Pinaiimbestigahan ng DA) ‘TONGPATS’ SA PORK IMPORTS”

  1. 98532 88386Oh my goodness! a great post dude. Thank you Even so I is going to be experiencing issue with ur rss . Dont know why Can not subscribe to it. Will there be any person getting identical rss issue? Anybody who knows kindly respond. Thnkx 644571

Comments are closed.