PINASISILIP ng United Broiler Raisers Association(UBRA) sa pamahalaan ang umano’y smuggled poultry products sa groceries.
Ayon kay UBRA chairman Gregorio San Diego, kaunti lamang ang imported poultry products sa wet markets at ang smuggled poultry products ay posibleng nasa groceries at supermarkets, gayundin sa iba’t ibang online stores at outlets.
Nauna rito ay sinabi ng consumer rights advocacy group Bantay Konsumer, Kalsada at Kuryente (BK3) na base sa kanilang market monitoring, laganap ang imported poultry products sa wet markets sa Manila.
Gayundin ay hinikayat ni San Diego ang pamahalaan na kasuhan ang mga importer na mahuhulihan ng smuggled agricultural products.
“Unfortunately, there are [reported] cases but no one is really being jailed. That’s why it just keeps on happening and smugglers are increasing in number,” aniya.