PINAKAMALAKING COVID-19 FACILITY SA QUEZON BINUKSAN

Danilo Suarez

QUEZON- SA pangunguna ni Quezon Governor Danilo Suarez kasama ang kanyang maybahay na si 3rd District Congresswoman Aleta Suarez, pormal na binuksan nito ang pinakamalaki at kauna-unahang COVID-9 Quezon Provincial Temporary Treatment and Monitoring Facility (QPTTMF) sa Southern Quezon Convention Center sa bayan ng Gumaca kasama sina Gumaca Mayor Webster Letargo,Vice Gov.Sam Nantes at ilang mga Bokal sa naturang inagurasyon noong Martes ng umaga.

Naglalaman ito ng 60 bed capacity may mga gamot at kagamitan na katulad ng isang ospital katulad ng por­table x-ray machine,respiratory equipment at mayroon din itong bagong ambulance vehicle na nakatalaga dito.

Sa panayam ng PILIPINO MIRROR kay Provincial Health Officer Dra.Grace Santiago, ilalagay sa QPTTMF sa halip na sa ospital ang mga nagpositibo sa COVID-19 na walang sintomas o  ang tinatawag na “Asymptomatic”.

Layon ng paglalagay ng COVID-9 Temporary Treatment and Monitoring Facility na maibsan ang patuloy na pagsisikip ng mga isolation facility sa mga pampublikong pagamutan dahil sa patuloy na paglobo ng bilang ng mga pasyente na tinamaan ng nakahahawang sakit.

Mahigit na sampung bayan sa lalawigan ng Quezon ang makikinabang sa naturang pasilidad kabilang  ang mga bayan ng  Atimonan,Plaridel,Gumaca,Lopez,Calauag,Tagkawayan,Alabat,Perez,at Quezon Quezon at iba pang bayan sa bahagi ng Bontoc Peninsula.

Ayon kay Gob.Suarez,  nauna na nilang pinagplanuhan ni Mayor Letargo ang paglalagay ng CO­VID-19 Temporary Treatment and Monitoring Facility nang nag-uumpisa pa lamang na tamaan ng pandemya ang lalawigan ng Quezon.

Sa datos ng Provincial Health Office nagsimulang tumaas ang bilang ng positibo sa COVID-19 dahil sa kanilang isinagawang mandatory swab testing sa mga health worker at mga kawani ng pampublikong tanggapan

At nang ipatupad ang GCQ sa probinsiya ay ma­rami ng mamamayan ang lumabag sa health protoco­ls katulad ng physical distancing at hindi tamang pagsusuot ng face mask.

Nitong nakaraang Martes, umakyat na sa bilang na 568 ang nagpositibo sa COVID-19 sa lalawigan ng Que­zon at nasa 248 ang gumaling habang 20 naman ang naitalang nasawi. BONG RIVERA

Comments are closed.