(Pinalawig hanggang Hulyo 31, 2025) VISA-FREE ENTRY NG PINOY SA TAIWAN

PINALAWIG ng Taiwan ang visa-free entry program nito para sa Philippine passport holders hanggang Hulyo 31, 2025.

Ang anunsiyo ay ginawa ng Taiwan Ministry of Foreign Affairs-Bureau of Consular Affairs nitong Hunyo 4, kung saan ni-renew nito ng isa pang taon ang “trial visa-free entry” nito para sa nationals ng “New Southbound Policy” partners nito, kabilang ang  Thailand at  Brunei.

“After evaluating the effectiveness of the above measures over the past years, participating agencies decided to extend the trial visa-free entry program for one year for nationals of Thailand, Brunei, and the Philippines from August 1, 2024, to July 31, 2025,” nakasaad sa isang advisory.

Sinabi ng Taiwan MOFA na ipagpapatuloy nito ang pagrebyu sa visa policies upang makaakit ng mas maraming bisita habang tinitiyak ang border at public security.

“MOFA will also continue to communicate with the governments of related countries to enhance visa treatment for Taiwan nationals and make their overseas travel more convenient,” sabi pa nito

Ang mga Pinoy ay unang isinama sa pilot visa-free scheme ng Taiwan noong November 2017, pinayagan sila na manatili na visa-free sa Taiwan sa loob ng hindi bababa sa 14 araw.

(PNA)