DAPAT linawin ang kriterya kung paano matutukoy ang living wage na makapagbibigay ng nourishment at general well-being sa isang pamilya na may limang miyembro, alinsunod sa direksiyon ng Ambisyon 2040, ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva.
Ang pahayag ay ginawa ni Villanueva matapos aprubahan ng National Capital Region (NCR) Regional Wage Board ang P40 wage hike para sa daily minimum wage ng mga manggagawa sa Metro Manila.
“There is no sugar-coating the situation of Filipino workers – the minimum wage as presently determined is not enough for a family of five to live decently. Hindi na po pantay ang kinikita ng bawat manggagawang Pilipino sa taas ng bilihin ngayon,” ani Villanueva.
Layon ng Senate Bill No. 2140 na inihain ni Villanueva na amyendahan ang wage fixing criteria ng Labor Code of the Philippines para ilagay ang living wage o sahod sa sentro ng pagtukoy ng regional minimum wage.
Nakasaad din sa panukala na dapat tiyakin na ang living wage na natatanggap ng mga manggagawa ay makatutulong para mabigyan ng sapat ng pagkain, damit, tirahan at edukasyon at general well-being ang kanilang pamilya.
Sinabi pa ni Villanueva na pinagkakasya lamang ng mga Pilipinong manggagawa ang kasalukuyang daily minimum wage na P306 hanggang P570 para sa pangaraw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya tulad ng pagkain, transportasyon, gamot, tirahan at edukasyon.
Batay sa pag-aaral ng IBON Foundation, ang isang pamilya na binubuo ng lima sa NCR ay kailangan ng P1,160 kada araw para magkaroon ng disenteng pamumuhay.
“This means that the NCR minimum wage is only half of the required living wage,” ayon kay Villanueva.
“The Constitution itself guarantees to all workers the right to a living wage. This is the intent of our bill,” dagdag pa niya.
“It is important that we have clear standards which will serve as a basis in considering proposed wage increases to ensure a right balance in affording workers their families’ basic needs and sustainability and competitiveness of business,” ayon pa sa Majority Leader.
Sa pagtukoy ng regional minimum wages, nakasaad sa panukala na dapat ikonsidera ng “estimated cost of living” base sa laki ng isang pamilya sa rehiyon.
Ang iba pang konsiderasyon ay ang mga sumusunod: wage adjustment vis-a-vis consumer price index; the needs of workers and their families; the need to induce industries to invest in the countryside; improvements in the standards of living; the prevailing wage levels; and, equitable distribution of income and wealth along the imperatives of economic and social development.”
Punto pa ni Villanueva, may mga batas na nagbibigay ng reprieve sa mga negosyo sa pagbabayad ng minimum wage, bilang pagkilala sa kanilang financial ability upang makayanan ang tumataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Halimbawa, ang mga barangay micro-business enterprise ay exempted sa pagsunod sa minimum wage habang ang negosyo na may empleyado na hindi bababa sa sampu ay libre rin sa pagbabayad ng minimum wage.
–VICKY CERVALES