(Pinalitan na ang Pambansang Bae) ALDEN RICHARDS ASIA’S MULTIMEDIA STAR, ‘DI INASAHAN ANG TROPHY SA 14TH SEOUL INT’L DRAMA AWARDS

alden richard

NAPALITAN na raw ng ‘Asia’s Multimedia Star’ ang title ni Alden Ri­chards na showbiz eye‘Pambansang Bae’ kaya nanibago siya nang tawagin siya sa ga­nitong title ng kaibigang si Betong Sumaya na siyang nag-host ng special media conference sa kanya pagkatapos niya muling pumirma ng exclusive contract sa GMA Network last Tuesday, September 3.

Inamin ni Alden na na-overwhelm siya nang pumunta siya sa South Korea para tanggapin ang kanyang Asian Star Prize mula sa 14th Seoul International Drama Awards.

“Nakakahiya po na pumunta ako sa South Korea na akala ko ang tatanggapin kong award ay tulad lamang ng mga face of the night dito sa atin,” kuwento ni Alden.  “Pero nagulat po ako na isa pala iyong big event at malalaking actor mula sa limang countries sa Asia ang pinagpilian para sa awards.

“Dream ko rin po makagawa ng international projects, kaya sana po ay matuloy iyong collaboration with an international TV network ng GMA.  First time ko rin pong nakapasyal kahit one day lamang sa South Korea after the awards night, kaya gusto kong dalhin doon ang family ko sa Christmas.”

Ikinatuwa ng mga press nang tanungin si Alden tungkol sa kanyang lovelife at sumagot siya na may ‘ina-eye’ na siya pero umiwas siya hindi inamin kung sino.

Kinagabihan after the mediacon, lumipat naman si Alden sa Star Cinema para sa isang thanksgiving party para sa movie nilang “Hello, Love, Goodbye” na in-announce na ni Direk Cathy Garcia-Molina na  “I beat myself,” dahil as of September 3, may box-office gross na ang movie nila na Php880,603,490 at patuloy pa itong nagso-showing here at may international screening pa ang movie.  Ang “The Hows Of Us” ay kumita ng PhP804 million in 2018.

Tungkol naman sa part 2 ng “HLG,” marami pa raw negosasyong gagawin, basta ang promise nilang tatlo nina Direk Cathy at Kathryn Bernardo sila pa rin at ang buong production staff ang gagawa nito.

BIANCA UMALI IPAGMAMALAKI SI ‘SAHAYA’ HANGGANG PAGTANDA

FINALE night na ng epic-seryeng “Sahaya,” ang proyektong hindi ma­lilimutan ni BIANCA UMALIBianca Umali who played the title-role.  Tumagal din ang serye ng six months. Ang hindi raw niya malilimutan sa paggawa ng serye, ang pag-aaral niya ng sayaw ng Badjaw na ‘Igal’ na sinayaw niya sa eksena na nakasakay siya ng bangka at nasa middle of the sea siya.

Ano ang natutunan ni Bianca nang i-portray niya ang role?

“She taught me so much more about life, iyong different perspective of things sa pagiging si Sahaya,” sabi ni Bianca.  “Na-in love po ako sa culture ng mga Badjaws at ang “Sahaya” ang naging milestone ng buhay ko. Ibinigay ko lahat ng makakaya ko para sa kanya at hanggang sa pag-tanda ko, maipagmamalaki ko siya because I am proud of this project.”

Ayaw pang sabihin ni Bianca kung sino ang makakatuluyan niya sa story, ang kababatang Badjaw na si Ahmad (Miguel Tanfelix) o ang mayamang si Jordan (Migo Adecer)?  Mapapanood ang finale bukas, September 6, after ng “24 Oras.”

Comments are closed.