(Pinamamadali na sa Senado) DAGDAG NA PENSION NG SENIORS

PINAMAMADALI ni Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Isagani Zarate sa Senado ang pagpa-patibay sa dagdag na social pension ng mga senior citizen.

Sa Kamara ay inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 9459 at ang bersiyon nito sa Mataas na Kapulungan ay nakabimbin pa rin sa komite.

Nagpahayag ng suporta ang Bayan Muna sa ganap na pagsasabatas sa panukala sa gitna na rin ng paggunita ng “Elderly Filipino Week”.

Mula sa P500 na social pension kada buwan ng mga matatanda ay naitaas ito sa P1,000 ngunit inilalaban ng grupo na maalis ang qualifications na nakapaloob dito at maibigay ito sa lahat ng mga indigent na lolo at lola.

Isinusulong din ng grupo ni Zarate na maitaas sa P2,000 kada buwan o madagdagan pa ang natatanggap na social pension ng P1,000.

Umaapela si Zarate kay Pangulong Rodrigo Duterte na tuparin ang pangako nitong dagdag na SSS pension lalo pa’t ang mga matatanda ay kabilang sa mga apektado at nahihirapan sa gitna ng pandemya. CONDE BATAC

331 thoughts on “(Pinamamadali na sa Senado) DAGDAG NA PENSION NG SENIORS”

Comments are closed.