PINAAAPURA ni Assistant Minority Leader at ACT-Teachers Partylist Rep. France Castro sa Senado ang pagpapatibay sa bersiyon ng kanilang panukala na ilibre sa buwis ang honoraria at iba pang kompensasyon ng mga magsisilbi sa national at local elections.
Sinabi ni Castro na dahil papalapit na ang halalan sa susunod na taon, mahalagang maaprubahan na ng Senado ang counter-part bill upang bago pa ang eleksiyon ay maipatupad na ang tax exemption sa honoraria at allowances sa mga guro at iba pang magsisilbing poll workers.
Ang House Bill 9652 ay nakalusot sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara noon pang August 23 at agad na isinumite sa Senado sa sumunod na araw.
Sa oras na maging ganap na batas ay hindi na papatawan ng income tax ang honoraria, travel allowance at iba pang benepisyong ipinagkakaloob sa Board of Election Inspectors at iba pang magsisilbi sa halalan.
Bukod dito ay ipinakokonsidera rin ni Castro sa Kongreso ang pagtataas ng allowances sa mga poll worker dahil kailangang magtrabaho ang mga ito ng mas mahabang oras at lantad din ang mga ito sa COVID-19.
Pinatataasan ng kongresista ang honoraria sa ilalim ng Election Service Reform Act (ESRA) — P10,000 para sa Chairperson ng Electoral Boards; P9,000 para sa members; P8,000 sa DepEd Supervisor Officials; at P7,000 para sa support staff.
Habang P3,000 hanggang P5,000 naman ang hiling na travel allowance at P2,500 naman sa meal allowance. CONDE BATAC
What’s Taking place i am new to this, I stumbled upon this
I’ve discovered It positively helpful and it has helped
me out loads. I hope to give a contribution & aid different customers like
its helped me. Good job.