INIHIRIT ni Senadora Imee Marcos sa pamahalaan na huwag nang patagalin pa ang pagbibigay ng mga vaccination pass sa overseas Filipino workers (OFWs) na nangangailangan nito para makapagtrabaho sa ibang bansa.
Ayon kay Marcos, kaya nang simulan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pag-iisyu ng mga vaccination pass kung bibigyan ng prayoridad ang mga OFW, sa halip na hintayin pa ang mga local government unit na maayos ang mga backlog nito sa pagpapadala ng datos ukol sa pagbabakuna ng lahat ng kanilang mga nasasa-kupan.
“Ang mas madiskarteng target ang solusyon. Ang mga OFW na may kasalukuyang mga job contract, mga bumibiyaheng negosyante, at mga estudyanteng humahabol sa mga school terms nila abroad ang dapat na unahing bigyan ng passes,” sinabi ni Marcos.
Inihalimbawa ni Marcos ang Japanese government na mahusay na napangangasiwaan ang bulto o dami ng mga vaccina-tion data sa pamamagitan ng pag-iisyu ng passes sa mga may kagyat lang na pangangailangan at nag-apply sa public health centers na tumatagal lang ng 20 minuto.
“Nangako ang DICT sa Senate hearing noong isang taon pa na masisimulan ito ngayong Agosto. Naaalala ko dahil na-niwala ako,” ani Marcos.
Habang hindi pa maayos ang isang ‘international system’ o pandaigdigang sistema sa beripikasyon ng vaccination passes, sinabi ni Marcos na kailangang maisaayos ng pamahalaan ang mga kasunduan sa ibang bansa na mayroong sariling listahan ng mga aprubadong bakuna, na mas istrikto pa sa inaprubahan ng World Health Organization (WHO).
“Hindi pa inaaprubahan ng mga bansang madalas na pinatutunguhan ng mga OFW, gaya ng Saudi Arabi at Japan, ang mga bakuna gaya ng sa Sinovac, na tinurok na sa milyon-milyong Pilipino,” sabi pa ni Marcos.
“Kahit ang pagsunod ng DICT sa patakaran ng WHO para sa hinihintay na VaxCertPH passes, na may mga QR code pa, ay hindi kasiguruhan na walang sagabal ang pagpasok ng mga OFW sa ibang bansa. Kailangang aregluhin pa ito ng magka-bilang gobyerno,” dagdag ni Marcos.
Nagbabala pa si Marcos na posibleng maulit sa ibang bansa ang problema ng mga OFW sa pagpasok sa Hong Kong kamakailan lang, kung hindi agad masimulan ng gobyerno ang pag-iisyu ng VaxCertPH passes.
Maiiwasan din, aniya, ang mga abala sa mga biyahero na pagsailalim sa mga mahahabang quarantine at madalas na PCR (polymerase chain reaction) test kung isasabay ng Department of Health na i-update at iayon mga quarantine protocols sa paglulunsad ng VaxCertPh passes, gaya ng ginagawa sa ibang bansa.
“Matapos ang paulit-ulit na mga lockdown, nakasusulyap na tayo ng pag-asang makabawi dahil sa mga vaccination passes. Kailangan natin ng layang gumalaw para madagdagan ang pagtangkilik sa mga negosyo at mabawasan ang kawalan ng trabaho,” pagbibigay-diin ng senadora. VICKY CERVALES
301057 564754An attention-grabbing dialogue is value comment. I believe which you need to have to write a lot more on this matter, it wont be a taboo subject nonetheless normally individuals are not sufficient to speak on such topics. To the next. Cheers 486470
890669 121917I will correct away grasp your rss as I can not in obtaining your e-mail subscription hyperlink or e-newsletter service. Do youve any? Kindly permit me realize so that I could subscribe. Thanks. 708400
590342 737382Basically a smiling visitor here to share the enjoy (:, btw excellent style and style . 613376
95105 466416Its like you read my mind! You appear to know a lot about this, like you wrote the book in it or something. I think that you could do with a few pics to drive the message home a bit, but other than that, this really is fantastic weblog. An excellent read. Ill surely be back. 790547
12249 903362You completed certain excellent points there. I did searching on the topic matter and found most persons will go together with your blog 45914
220607 442175Its hard to locate knowledgeable folks on this subject, but you sound like you know what you are talking about! Thanks 472965
67889 531607I found your weblog web site on google and check a couple of of your early posts. Proceed to maintain up the superb operate. I just additional up your RSS feed to my MSN Data Reader. In search of forward to reading extra from you later on! 539989