MANANATILI sa 24% ang annual interest rate cap sa lahat ng credit card transactions, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa isang statement, sinabi ng BSP na nagpasiya ang policy-setting Monetary Board (MB) na panatilihin ang maximum interest rate o finance charge sa unpaid outstanding credit card balance ng isang cardholder sa 2% per month o 24% per year.
Ang credit card interest rates ceilings ay alinsunod sa Circular No. 1098 ng BSP na may petsang September 24, 2020.
Sinabi pa ng central bank na ang monthly add-on rates na maaaring ipataw ng credit card issuers sa installment loans ay mananatili sa maximum rate na 1%.
Mananatili rin sa P200 per transaction ang maximum processing fee sa availment ng credit card cash advances.
“The decision of the Monetary Board is based on a holistic assessment considering the developments in the macroeconomy, the state of credit card financing as well as the safety and soundness of banks and other credit card issuers. It will also continue to help ease financial burden of consumers through affordable credit card pricing,” sabi ni BSP Governor Benjamin Diokno.
“It will also continue to help ease the financial burden of consumers through affordable credit card pricing,” dagdag pa niya.
Ayon pa sa central bank, alinsunod din ang pagpapanatili sa umiiral na ceiling sa kasalukuyang low-interest rate environment.
Sa policy meeting nito kamakailan, pinanatili ng MB ang overnight reverse repurchase facility sa 2%, ang pinakamababang policy rate magmula nang magsimula ang pandemya.