PLANONG isama ng gobyerno ang manok sa ipinamimigay na relief goods ngayong pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) kasabay ng sobrang suplay nito sa bansa.
Kinumpirma kahapon ni Agriculture Secretart William Dar na may mga pag-uusap na sila para ilapit ang grupo ng magmamanok sa mga lokal na pamahalaan o kaya ay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) tungkol dito.
Kailangan pa umano ang diskusyon kaugnay nito upang higit na maplantsa.
Sa imbentaryo ng DA ay may sobrang supply ng manok para sa mahigit na tatlong buwan sa pagtatapos ng taong ito.
Samantala, bukas naman ang United Broilers Raisers Association sa planong gawing na maisama ang manbok bilang ayuda.
Iginiit ni UBRA president Elias Einciong na gawing komprehensibo ang pagpapatupad ng panukala. Kailangang linawin kung frozen ba o buhay na manok ang ipamamahagi.
O maari rin aniyang magbigay na lamang ng food voucher na ididisenyo na lokal ang bibilhing manok.
Kamakailan ay isang barangay sa lungsod ng Pasig ang namahagi ng frozen chicken sa mga bahay bahay bilang ayuda.
Namigay si Chairman Berzie Cayton ng Brgy. San Joaquin sa lungsod ng Pasig ng mga dressed chidken sa bawat pamilya kasama ang bigas, noodles at mga de lata.
Comments are closed.