PINAS ‘DI MABABAON SA UTANG

Secretary Carlos Dominguez III-b

PINAWI ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang pangamba na maba¬baon sa utang ang bansa dahil sa pagde¬pende sa foreign money para matustusan ang programang pang-imprastraktura ng pamahalaan.

Ginawa ni Dominguez ang pahayag kasunod ng mga obserbasyon na nakatakda pang mangutang ang bansa sa China, na binabatikos ng iba’t ibang grupo dahil sa paggamit sa loans upang mapanghimasukan ang mga umuutang na bansa.

Ayon kay Dominguez, ang utang ng bansa bilang porsiyento ng gross domestic product (GDP) ay nananatiling ‘matatag’ sa 42.1 percent, ang kaparehong rate noong 2016.

“We continue to prudently manage our obligations and we are confident that the rapid expansion of the domestic economy will enable us to decrease our debt further to 39 percent of GDP in 2022,” wika ng kalihim.

“Given the rapid expansion of our GDP, we will certainly outgrow our debt. Those who raise the spectre of a debt crisis arising from our use of official development assistance to finance infrastructure program are not reading the numbers well enough,” dagdag pa niya.

Sa pahayag ng National Economic and Development Authority (NEDA), sa kasalukuyan, ang Filipinas at China ay lumagda lamang sa isang loan agreement para sa P3.135-billion Chico River Pump Irrigation Project. PILIPINO Mirror

Comments are closed.