SINIGURO ng Department of Tourism (DOT) sa mga foreign visitor na nananatiling ligtas ang Filipinas sa mga turista kung saan patuloy ang koordinasyon sa pagitan ng ahensiya at ng local law enforcement offices.
Ginawa ng ahensiya ang pahayag kasunod ng napaulat na kidnapping cases sa bansa, karamihan ay kinasasangkutan ng mga Chinese national na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
“Very much (safe). We will not promote a place where we know it’s not safe. Why? If something happens to even a single tourist, it destroys the whole Philippines. Hindi naman kasi nila nakikita, kunwari may nangyayari rito, akala nila buong Filipinas na ‘yon,” wika ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa Kapihan sa Manila Bay Forum sa Malate.
Aniya, ang tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga bumibisitang dayuhan sa bansa ang pangunahing prayoridad ng mga kaugnay na tanggapan.
“We’re not only in touch with the PNP (Philippine National Police) but also the AFP (Armed Forces of the Philippines) and the local government units. It is to our advantage to make sure that the tourists are safe so that when they come to a particular destination, they’re assured nothing bad will happen to them, that they are safe and secure,” ani Romulo-Puyat.
Dagdag pa niya, ni-renew ng DOT ang kasunduan nito sa PNP sa pagde-deploy ng karagdagang mga pulis sa major travel destinations sa bansa.
Noong Lunes ng gabi, isang video na nagpapakita sa isang babae na kinakaladkad papasok sa isang van sa Paseo de Roxas ang nag-viral sa social media. Iniimbestigahan na ng Makati City Police Office ang insidente, subalit ipinahiwatig na ang mga umano’y kidnappers ay maaaring Chinese nationals.
Mula Enero hanggang Nobyembre ngayong taon, iniulat ng PNP ang kabuuang 43 kaso ng kidnapping na may kaugnayan sa casino-debt ng POGO.
Sa pinakahuling datos ng DOT, ang mga turista mula China sa unang 10 buwan ng 2019 ay umabot sa 1,499,524. PNA
Comments are closed.