PINAS MAG-E-EXPORT NG BABOY, MANOK AT GULAY SA SINGAPORE

PH EXPORT

MASIGASIG ang Filipinas sa pagpapaangkat ng poultry at livestock products gayundin ang mga gulay sa Singapore sa unang tatlong buwan ng taon para makapagbigay ng dagdag na merkado sa mga magsasaka.

Sinabi ni Agriculture Secretary Emmanuel F. Piñol na nagpakita ng malaking interes si Singaporean Ambassador to the Philippines Kok Li Peng sa pag-angkat ng baboy, manok, itlog, gulay at bigas mula sa Filipinas.

“The Philippines and Singapore today agreed to fasttrack Agricultural Trading negotiations to allow the export of pork, chicken and eggs, vegetables and shrimps to the tiny but rich country by early next year,” pahayag ni Piñol kahapon.

Nakipagkita si Piñol kay Li Peng kahapon ng umaga para pag-usapan ang posibilidad ng pagpapa-angkat ng farm products, lalo ang itlog ng manok, sa Singapore at gawin ang Filipinas na kanilang alternatibong food supplier.

Sinabi ni Piñol, sa pagbisita ni Lipeng kasunod ng report na ayon sa  Agri-Food and Veterinary Authority (AVA) ng Singapore na ito ay naghahanap ng supplier ng manok at supplier ng itlog matapos na magbawas ang Malaysia ng kanilang  shipment sa Southeast Asian nation.

Sa miting, nagkasundo ang dalawang partido na ang AVA ay magpapadala ng team sa Marso 2019 para mag-imbestiga ng mga pasilidad ng manukan sa Filipinas.

“But it could be earlier because the ambassador was very excited,” sabi niya.

Binigyang-diin ni Piñol na ang Gokongwei-owned Universal Robina Corp. ay nagpahayag ng interes para magpaangkat ng itlog, chilled pork at chicken sa  Singapore. Naroon din si Dennis Palabrica ng URC sa da­yalogo sa pagitan ng Filipinas at Singapore, ayon kay Piñol.

“The other things that Singapore is interested in are vegetables produced in Bukidnon, high value rice such as brown rice and organic rice and vannamei shrimp,” sabi niya.

Sinabi ni Piñol na ang isang bagay na makakaantala ng shipment sa Philippine farm goods sa Singapore ay ang Chinese New Year, kung saan busy sa pagpipista.

Hindi naman inilahad ni Piñol ang target ng kita sa pagpasok sa merkado ng Singapore pero sinabi lang niya na sisikapin ng Filipinas na punuin ang gap sa supply na lilikhain ng pagbabawas ng Malaysia ng kanilang agricultural shipments. JASPER EMMANUEL Y. ARCALAS

Comments are closed.