PINAS MALAKI ANG POTENSIYAL NA MAGING PROGRESIBO SA PAMAMAGITAN NG ECONOMIC COMPLEXITY

ISA pong karangalan nitong nakaraang linggo na tayo ay maimbitahang maging speaker sa isang prestihiyosong unibersidad sa Estados Unidos. Ang ating naging paksa: ekonomiya.

Sa nasabi pong event na ginanap via Zoom, nagsalita po tayo sa harap ng mga mag-aaral ng Stanford University sa Stanford, California, na magtatapos sa Public Policy Program.  Ito po ang kauna-unahan nating pagtatalumpati sa isang malaking unibersidad sa ibayong dagat.

Sa talumpati po nating ‘yan, tinalakay natin ang lagay ng ating ekonomiya bago magsimula at sa kasalukuyang estado ng pandemya.

Sa totoo lang po, malaki ang potensiyal ng Filipinas na makilala sa pandaigdigang merkado dahil sa iba’t ibang produkto nating ini-export. Malaki ang pag-asa nating makasabay sa pag-unlad kung todo ang pokus natin sa ating iba’t ibang resources.

Kung dati ay kilala lang tayo bilang isang agricultural country at puro produktong agrikultura lang ang ini-export natin, ngayon, makalipas ang anim na dekada, nakilala na rin tayo bilang exporter ng electronic products. ‘Yan ang dahilan kung bakit patuloy ang pag-angat ng Filipinas sa tinatawag na economic complexity.

Noong 2008, nakuha ng Filipinas ang ika-45 na puwesto sa Economic Complexity Index o ECI.  At noong 2018, nakatutuwang mula ika-45, tumalon tayo sa ika-35 puwesto. Ang ECI po ay bahagi ng Atlas of Economic Complexity nina G. Ricardo Hausmann ng Harvard University at G. Cesar Hidalgo ng MIT. Ito ang naglalahad sa  productive capabilities ng isang bansa base sa mga produktong kanilang ini-export.

Ayon kina Hausmann at Hidalgo, ang mga bansang may complex products ay mas malaki ang tsansang umunlad kumpara sa mga bansang may limitadong products for export. Mas mabilis pa nga raw ang mga ito kaysa mga mayayamang bansa na nakadepende lang sa natural resources nila tulad ng langis.

Sa kasalukuyang puwesto natin sa ECI (35th), hindi naman ito masasabing mababa dahil ito ang gagawing batayan, pang-apat tayo sa ASEAN. Sa kasalukuyan, nasa ika-5 puwesto ang Singapore sa ECI, ang Thailand ay pang-22 at ang Malaysia, 26th. Mas nangunguna pa tayo sa mga bansang tulad ng Canada na pang-39, India na pang-42nd  at New Zealand na nasa ika-54 na puwesto. At dahil kinikilala na tayo ngayon bilang regional leader, nangan-gahulugan lang na marami tayong nagagawang tama at kamangha-mangha.

Pero sa kabila nito, may ilang aspeto pa rin sa ating ekonomiya ang patuloy na nagpapahina sa bansa. Pinaka-malaking bahagi niyan – ang ating human resources. Sa totoo lang, pinakamalaking bahagi pa rin ng export natin ang pag-export natin ng workers. Ibang bansa ang nakikinabang sa mga talent natin.

Mas pinipili nila ang mag-abroad para sa mas malaking kita dahil siguradong mas mabubuhay nila ang kanilang pamilya. At isa sa mga solusyon upang kahit paano ay mayakag nating manatili rito sa atin ang ating mga manggagawa ay ang pagsusulong ng ating inisyatibong Tatak Pinoy

Sa pamamagitan po nito, mas maraming lokal na industriya ang maisusulong at matutulungan, gayundin ang ating mga professional workers na pawang globally competitive.

Dapat ding  mapagtuunan ng kaukulang paglilinang ang ating basic education, partikular ang science, technology, engineering at math. Pinakamahalagang pundasyon ‘yan para matiyak ang tagumpay ng mga mag-aaral para na rin sa kanilang kinabukasan.

7 thoughts on “PINAS MALAKI ANG POTENSIYAL NA MAGING PROGRESIBO SA PAMAMAGITAN NG ECONOMIC COMPLEXITY”

  1. 413144 701337Safest messages, or a toasts. are normally launched at 1 point during the wedding but are likely to just be hilarious, humorous to unusual as properly. finest man jokes 812931

  2. 776025 153526Wow, superb weblog structure! How long have you been blogging for? you make blogging glance effortless. The total look of your internet website is superb, neatly as the content material material! 802794

Comments are closed.