PINAS PASOK SA FIBA 3X3 OLYMPIC QUALIFIERS

Fiba 3x3

NAKAKUHA ang Filipinas ng puwesto sa FIBA 3×3 Olympic Qualifying Tournament na gaganapin sa India sa Marso ng susunod na taon.

Dalawampung koponan mula sa men’s at women’s division ang magbabakbakan para sa tatlong tickets na nakataya para sa 3×3 tournament ng  Tokyo 2020 Olympics.

Ang mga bansa na pasok na sa Tokyo Olympics ay ang Serbia, Russia, China, at Japan para sa men’s division, at Russia, China, Mongolia, at Romania para sa  women’s division.

Ang Filipinas ay nasa Group C ng men’s division, kasama ang Slovenia, France, Qatar, at Dominican Republic, matapos ang seeding na ginanap sa  Utsonomiya, Japan noong Biyernes.

Sa isang statement na ipinalabas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), ang national governing body ng sport, sinabi ng presidente nito na si Al Panlilio na nagpapasalamat ang organisasyon at napasama ang bansa sa qualifiers.

“3×3 is an area where Filipino basketball players can really excel and we’re delighted that a Filipino basketball team will get to test their skills against the world’s best,” wiika ni Panlilio.

Sa kasalukuyan, ang Filipinas ay 20th overall sa FIBA 3×3 world rankings.

Ayon kay Ronald Mascariñas, nangunguna sa pag-organisa ng local 3×3 tournaments, inaabangan na ng basketball stakeholders ang paglalaro ng mga Pinoy sa India competition.

“The journey is far from over as the goal is to not just make it to the OQT,” ani Mascariñas.

“The endgame is to make it to Tokyo. We are going all out to prepare our national team for this and we hope that everyone joins us in this journey.”

Comments are closed.