NANAWAGAN si Senadora Risa Hontiveros sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na singilin ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa utang nitong P1.36 bilyon.
Ayon kay Hontiveros, base sa audit report ng Commission on Audit (COA) ang halaga ng kabuuang utang ng 15 POGOs sa bansa.
“Bakit hinayaang umabot sa ganitong kalaki ang utang ng POGO? PAGCOR needs to throw its weight and go after them. Bilyon na pala ang utang, ang dami pang krimen na pinasok sa Pilipinas. POGOs, magbayad na at umalis na kayong lahat sa Pilipinas,” anang senadora.
Giit ni Hontiveros, sobra-sobra ang palugit na ibinigay sa mga ito kaya naman kailangan na nilang magbayad ng kanilang mga utang.
“Kapag nagbayad na, dapat huwag nang bigyan pa ng lisensiya. Kung ang mga Pilipino nga na hindi makapagbayad ng upa, sinisingil kaagad. Samantalang ang POGOs, sobra-sobrang palugit ang ibinibigay. When POGOs first entered the country, we were promised investment and economic activity, but what we got was a myriad of crimes,” dagdag pa ni Hontiveros. LIZA SORIANO
viagra and cialis online Similar expression has also been reported in choroid plexus tissue from other mammalian species 5, 253, 299
774608 110221You produced some decent points there. I looked on the net to the concern and discovered a lot of people goes together with along along with your internet site. 827896