HINIMOK ni Senador Joel Villanueva ang Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Foreign Affairs (DFA) na tiyakin na makukuha ng mga na-displace na overseas Filipino workers (OFWs) sa New Zealand ang kanilang back pay.
“Having no job in a foreign country is a nightmare for our Kababayan OFWs. For them, it’s no work, no pay. And without pay, how will they survive?” ani Villanueva.
Aniya, hindi dapat maranasan ng mga OFW sa New Zealand ang naranasan noon ng mga OFW sa Saudi Arabia.
“We don’t want a repeat of what happened to our kababayans who were laid off in Saudi Arabia and remain waiting to get their pay and other receivables. Let’s act now,” anang senador.
Nitong Biyernes, sinabi ng DMW na bibigyan ng ahensiya ang mga OFW ng ayuda na nawalan ng trabaho sa New Zealand.
Ayon kay DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac, 452 sa 700 OFWs ang humingi ng tulong sa pamahalaan ng Pilipinas.
LIZA SORIANO