(Pinatitiyak sa DOT) HEALTH FACILITIES SA TOURIST DESTINATIONS

Senadora Grace Poe-5

HINILING ni Senadora Grace Poe sa Department of Tourism (DOT) na tiyaking may health facilities na naaayon sa standards sa mga tourist destination upang maging kampante ang mga tao sa kanilang kaligtasan sa pagbiyahe.

“Sa lahat ng panig ng bansa, dapat namang mayroong health facilities na makatutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan. Nakita na nating may mga turistang nagtungo sa mga lugar na ‘di makayang bigyan ng paunang lunas ng health center doon,” sabi ni Poe sa hearing ng Senate committee on tourism nitong Martes.

Anang senadora, ,bago dumating ang krisis pangkalusugan, nasa P2.5 trilyon ang kontribusyon ng turismo sa ekonomiya noong 2019. Dahil sa pandemya at pagsasara ng mga resort at hotel, at mga travel restriction, nabawasan ng 61 porsiyento o bumaba sa P973.3 bilyon ang kontribusyon nito sa pagtatapos ng 2020.

“Ang sektor ng turismo ang isa sa haligi ng ekonomiya bago ang pandemya. Sa pagdami ng mga nababakunahan kontra COVID-19, inaasahan nating madadagdagan ang bumibiyahe na muling magpapasigla sa ekonomiya ng mga probinsya,” paliwanag ni Poe.

Batay sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA),  gumastos ang mga Pilipino ng P3.14 trilyon noong 2019 sa pagbisita sa mga local destination subalit bumaba sa P556.89 bilyon noong nakaraang taon dahil sa pagsasara ng maraming tourist destinations.

Sa pinakahuling datos mula sa Department of Health (DOH), umaabot na sa 26.7 milyong indibidwal ang nabigyan ng first dose ng bakuna kontra COVID-19 habang 23 milyon ang fully vaccinated.

“Dahil sa new normal, kinakailangang bumalangkas ang gobyerno ng pandemic health protocols sa lahat ng aspeto ng ekonomiya sa mga susunod na taon, kaya mas mahalagang bahagi ng turismo ang mga health facility ngayon higit kailanman,” dagdag ni Poe.

Una nang inihain ni Poe ang Senate Bill No. 2321 na nagsusulong na amyendahan ang “COVID-19 Vaccination Program Act” o Republic Act 11525 upang maisama ang international at domestic travel, mas maluwag na access sa business establishments at public places para mapalakas ang ekonomiya. VICKY CERVALES

335 thoughts on “(Pinatitiyak sa DOT) HEALTH FACILITIES SA TOURIST DESTINATIONS”

  1. Hi, I do believe this is a great web site. I stumbledupon it 😉 I may revisit once
    again since I book-marked it. Money and freedom is the greatest way to change, may you
    be rich and continue to guide others.

  2. This is the right blog for everyone who wants to understand this topic.
    You know a whole lot its almost hard to argue with you
    (not that I actually will need to…HaHa). You definitely put a brand new spin on a topic which has been discussed for years.
    Great stuff, just wonderful!

  3. Undeniably believe that which you said. Your favorite justification seemed to be on the internet the simplest thing to
    be aware of. I say to you, I definitely get irked while people think about worries that they just
    don’t know about. You managed to hit the nail upon the top and defined out the whole thing without having
    side-effects , people can take a signal. Will probably be back to get more.

    Thanks

Comments are closed.