(Pinatitiyak sa gobyerno sa pagbaba ng taripa) MURANG BIGAS, KARNENG BABOY

Senadora Grace Poe-4

HINILING ni Senadora Grace Poe sa economic team ng pamahalaan na tiyaking mananatiling abot-kaya ang presyo ng karneng baboy at bigas kasunod ng kanilang rekomendasyon na babaan ang taripa nito na magreresulta rin sa pagkawala ng kita

“Our people expect the government’s economic team to live up to their avowed tenet of fiscal responsibility by seeing to it that actual benefits trickle down to Filipino families and not just to importers,” pahayag ni Poe.

“Will the tariff slash actually result in lower prices in public markets and groceries? Can the people actually feel it?” dagdag ng senadora.

Ayon kay Poe, ang mawawalang kita ay maaaring makaapekto sa pondo sa susunod na taon na sisimulan nang talakayin ng Kongreso pagsapit ng Agosto.

“NEDA (National Economic and Development Authority) had said time and again that nothing is free from heaven and that government cannot just give subsidies because it will have to be taken from somewhere,” sabi ni Poe.

“With budget discussions starting soon, which services will government now have to scrimp on because of the foregone revenues on pork and rice?” tanong pa niya.

Sa ilalim ng Executive Order 135, pansamatalang ibinaba ang taripa sa bigas sa 35 porsiyento mula sa kasalukuyang 40 porsiyento para sa in-quota import at 50 porsiyento naman sa out-quota import.

Sa EO 134, binago rin ang taripa sa imported pork product. Ang bagong taripa sa pork import sa ilalim ng minimum access volume (MAV) ay magiging 10 porsiyento para sa unang tatlong buwan at 15 porsiyento sa susunod na siyam na buwan.

Ang taripa sa pork import sa labas ng MAV ay babawasan ng 20 porsiyento para sa unang tatlong buwan at 25 porsiyento naman sa susunod na mga buwan.

Bagaman sinabi ng Department of Finance (DOF) na ang naturang hakbang ay para mapababa ang presyo ng bigas na inangkat mula sa India at Pakistan, sinabi ng Tariff Commission na ang bigas sa naturang mga bansa ay talaga namang mura kumpara sa bigas na inangkat mula sa ASEAN.

Nauna nang inihayag ng mga magbababoy at magsasaka na iboboykot nila ang Department of Agriculture (DA) summit na nakatakda ngayong linggong ito matapos balewalain ng ahensiya ang kanilang apela na huwag babaan ang taripa dahil makasisira ito sa lokal na produksiyon bukod sa mawawalan pa ng kita ang pamahalaan.

Sinasabi ng economic team ng pamahalaan na ang pagpapababa ng taripa o ang pagbubukas sa pamilihan ng mga inangkat ay magbababa sa presyo ng mga bilihin.

“Our people need all the help they deserve. Hirap na hirap na sila sa gitna ng pandemya,” dagdag pa ni Poe. LIZA SORIANO

34 thoughts on “(Pinatitiyak sa gobyerno sa pagbaba ng taripa) MURANG BIGAS, KARNENG BABOY”

  1. 642634 372866Nicely picked details, many thanks to the author. It is incomprehensive in my experience at present, however in common, the convenience and importance is mind-boggling. Regards and all of the very best .. 588256

Comments are closed.