PINATUTUTUKAN SA DOH, FDA: VACCINE ONLINE SELLING

Rep Niña Taduran

NABABAHALA ang isang ranking lady official ng Kamara sa aniya’y tila lantarang pagbebenta gamit ang social media ng ilang uri ng bakuna

Ayon kay House Assistant Majority Leader at ACT-CIS party-list Rep. Niña Taduran, ang mas naka­aalarma ay mayroong iba na nag-aalok pa ng ‘home service’ sa pagtuturok nito.

Giit ni Taduran, dapat tutukan ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno, sa pangunguna ng Department of Health (DOH), ang isiniwalat ng Philippine Pediatric Society’s (PPS) hinggil sa ‘vaccine online selling’.

Sa public advisory ng nasabing non-government medical organization, tinuligsa nito ang anila’y “unethical sale and use of vaccines” na ginagawa ng ilang nurse, midwife at iba pang healthcare personnel at mistulang  ginagawang hanapbuhay ang ‘home vaccination’.

Sinegundahan naman ni Taduran ang paalala ng  PPS at sinabi niyang “vaccines should be dispensed only to doctors and must be properly handled, stored and transported.”

‘Hindi puwedeng basta ibenta sa kahit sino, kahit na nurse pa o midwife. At hindi rin sila puwedeng mag-home service at basta isaksak sa mga pasyente,” pagbibigay-diin pa ng ACT-CIS party-list congresswoman.

Naniniwala ang mambabatas na maaaring sinasamantala ng ­ilang indibiduwal ang ipinatutupad na community quarantine at nag-aalok ng home service na pagbabakuna dahil hindi basta-basta pinapayagan at mahirap din lumabas ng bahay ang ma­rami para pumunta sa health cen­ters o private clinics.

“The Department of Health and the Food and Drug Admi­nistration should look into these reported illegal vaccinations and unregulated sale of vaccines online. This is very dangerous because we don’t even know if these vaccines are genuine. Those who sell online or directly to people who are not authorized or qualified to vaccinate should answer to the law,” babala ni Taduran. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.