SAUDI ARABIA – ISA pang Filipino domestic worker sa bansang ito ang humihingi ng tulong makaraang abusuhin umano ng among babae.
Ang OFW, na nagtatrabaho sa Dammam, ay nagsumbong na ikinakandado siya sa kuwarto at sinasaktan kapag tumanggi na linisin ang tatlong bahay kung saan kinukumpiska rin ang kanyang cellphone.
Sa kuwento ng OFW, tinatakot siya ng kanyang amo na ipaaaresto kapag iginiit niya kung ano ang nakasaad sa kanyang kontrata.
Paliwanag pa ng OFW, batay sa kanyang kontrata ay isang bahay lang ang kanyang lilinisin.
Nangangamba naman ang magulang ng OFW at humingi ng tulong sa awtoridad upang mabigyan ng saklolo ang anak. CAMILLE BOLOS