PASAY CITY-INIULAT ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kauna-unahang Filipino worker na nagpositibo sa coronavirus disease (COVID 19) sa Kuwait.
Sa anunsyo ng DFA, isang domestic helper ang pasyente at nagkaroon ng close contact sa taong nagtungo sa United Kingdom.
Batay sa Kuwait Health authorities, nasa maayos na lagay ang Pinay at minomonitor ang kanyang lagay.
Ang embahada ng Filipinas sa Kuwait at POLO-OWWA ay nakaagapay sa kaso ng Pinay.
Nagpaalala naman ang DFA sa lahat ng Filipino sa nasabing middle east country na mamalagi muna sa kani-kanilang tirahan upang makaiwas sa sakit, sundin ang mga panuntunan at utos ng awtoridad at piliting maging malusog. EUNICE C.
Comments are closed.