MUNTINLUPA CITY – Nangangamba si Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon na humantong sa maraming kaso ng pang-aabuso sa mga Pinay OFWs dahil sa mga pahayag hinggil sa Duterte kiss.
Partikular na tinukoy ni Biazon ang naging depensa ni Presidential Spokesperson Harry Roque kaugnay sa nasabing usapin na aniya’y posibleng magbigay ng lakas ng loob sa mga dayuhang amo na samantalahin at abusuhin ang mga kababaihang nagtatrabaho sa abroad.
Magugunitang mismong ang Pinay na si Bea Kim ang nagsabi na walang malisya ang paghalik ni Pangulong Rodrigo Duterte at isa aniyang karangalan na mangyari iyon dahil kung nasa Pilipinas siya ay hindi magaganap iyon.
Paliwanag pa ni Kim, ang paghalik ay isa lamang twist at pampakilig sa mga audience.
“Walang ibig sabihin ‘yun, promise. Walang ibig sabihin – sa akin, sa kanya (PDU3), walang ibig sabihin, ” ayon pa kay Kim
Si Kim ay pitong taon na sa Korea kung saan isang Korean ang kaniyang napangasawa at mayroon na silang dalawang anak.
Samantala, hindi naman nagustuhan ni Gabriela Rep. Arlene Brosas ang ginawang depensa ng palasyo sa ginawang paghalik ng Pangulo kay Kim. CONDE BATAC
Comments are closed.