DALAWANG computer shops sa Navotas City ang ipinasara dahil walang mga business permit at pinayagang pumasok ang mga menor-de-edad.
Kaya’t binalaan ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang internet cafes, computer shops o piso net na dapat manatiling sarado sapagkat karamihan sa mga pumapasok dito ay mga bata na pinagbabawal na lumabas ng kanilang bahay dahil sa ipinapatupad na 24-hour curfew.
“Nais naming panatilihing ligtas ang aming mga anak sa kanilang mga tahanan. Hindi namin nais ang mga ito sa mga computer shop o sa labas ng mga kalye kung saan maaaring makuha nila ang nakamamatay na sakit,” ani Tiangco.
Nakapaloob sa City Ordinance No. 2020-33, ipatutupad ang 24-hour curfew sa mga residente na wala pang 18-anyos habang ang Navotas ay nasa ilalim ng community quarantine o anumang uri ng lockdown na kailangan national or local government.
At ang mga magulang o guardians na hahayaan ang kanilang mga anak na gumala sa mga lansangan o maglaro sa labas ng kanilang tahanan ay pagmultahin ng P1,000 o P2,000 para sa una o pangalawang paglabag. P3,000 o pagkabilanggo at P4,000 o pagkabilanggo sa pangatlo, ika-apat at mga susunod na pagkakasala.
Gayundin, mula noong Marso ang City Business Permits and Licensing Office ay nagpalabas ng abiso kaugnay sa pagsasara sa 45 na mga computer shop.
Samantala, iniulat ng Navotas City Police kay Tiangco na nitong Setyembre 6, umabot na sa 1,187 minors at adults ang naaresto dahil sa paglabag sa curfew.
Maliban sa 24-hour curfew para sa minors, ipinatupad din lungsod ang 8PM-5AM curfew para sa adults na hindi Approved Persons Outside of Residence per guidelines ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases. EVELYN GARCIA/VICK TANES
Comments are closed.