NAMAMALIMOS daw ngayon ng donasyon si Ping Medina para sa kanyang birthday dahil talagang naghihirap siya sa panahong ito.
Gamit ang Instagram, nag-post siya noong July 25, at inaming nalugi ang kanyang negosyo at sunud-sunod na kamalasan ang inabot niya ngayong 2021, kaya walang wala siya talaga.
May natira raw naman sa kanyang PHP36,000 at ginamit niya ito para pasukin ang pagiging sabong agent, kaso, naipautang niya ang iba rito sa isang kliyente. Hindi pa rin daw siya binabayaran ng “master agent.”
Nahihiya man, kailangan daw niyang humingi ng financial assistance para mabayaran ang renta ng tinitirhan niyang condo unit at physical store ng kanyang negosyong sausage sandwiches. Ginamit na rin niya ang kanyang birthday noong July 23 para kahit paano ay makalikom ng pera.
Ayon kay Ping, okay naman sana siya bago mag-pandemic, dahil maganda ang takbo ng kanyang career at ng kanyang negosyo, pero nang mag-ECQ, nawalan umano siya ng projects at napilitang magsara ang negosyo niyang Bulilith Smoked Sausages.
Dahil sa kakapusan, sinubukan niya ang pagiging agent ng online sabong para kumita, pero ganoon nga ang nangyari. Siguro raw, ganoon ang nangyari dahil hindi naman siya nagsusugal at hindi niya alam kung ano ang epekto nito sa mga mananaya.
Huling option na raw ni Ping na lumipat sa probinsya. Ayaw raw niyang mangutang dahil baka lalo lamang siyang mabaon. Mas gugustuhin pa raw niyang umuwi na lamang sa Sagada at magtanim.
Ibinahagi ni Ping ang QR code ng kanyang bank at G-cash accounts para sa nais magpadala ng donasyon, patunay na totoong siya ang nanghihingi.
May 23 taon nang artista si Ping at kinilala bilang isang magaling na character actor. Anak siya ng isa pang batikang aktor na si Pen Medina, at nakababatang kapatid niya ang aktor ding si Alex Medina.
Sa isang banda, hindi lamang si Ping ang naghihirap na artista sa panahong ito.
Maging ang dating co-host ni Willie Revillame sa Wowowin na si Herlene Budol, aka Hipon Girl ay naapektuhan nang husto ang pamumuhay dahil sa coronavirus pandemic.
Ayon kay Herlene, naubos ang ipon niyang P100,000 noong co-host pa siya ng game show ni Willie sa GMA-7. Pero okay lang daw, dahil kung wala siyang ipon, baka patay na sila ng kanyang pamilya ngayon.
Dalawang taon pa lamang si Herlene sa entertainment industry, pero na-realize niyang hindi permanente ang propesyong kanyang pinasok. Nagpapasalamat si Hipon Girl na tinuruan siya ni Alex Gonzaga, kapatid ni Toni, na mag-vlog. Kaso, wala pa raw siyang sweldo.
Nagsisisi raw siyang naging kampante siya.
Ngayon, nahihiya raw siya kapag may humihingi ng tulong sa kanya na hindi niya matulungan dahil walang wala rin siya. — KAYE NEBRE MARTIN
282898 117453This kind of lovely blog youve, glad I discovered it!?? 187914
430553 44051The vacation delivers on offer are : believed a selection of some with the most selected and in addition budget-friendly global. Any of these lodgings tend to be quite used along units could accented by indicates of pretty shoreline supplying crystal-clear turbulent waters, concurrent with the Ocean. hotels packages 27439
347550 538511Stay up the good paintings! 744720